MySpace Layoutsmyspace comments

Altar of a an Italian Church

Altar of a an Italian Church

Our Father

Thursday, March 4, 2010

"SIMBAHAN"

Ang pinakamadalas at hindi ko malilimutang panaginip ----- nasa simbahan ako.

Natatandaan ko pa yung unang-unang panaginip ko. Papasok na raw ako sa simbahan
nang napatigil ako dahil isa-isang lumalabas 'yung mga santo. Nakalinya pa nga sila habang
palabas ng simbahan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang tanging nalalaman ko na lang at
nararamdaman ng mga sandaling iyon ay pagkalito at pagkatakot.

Sumunod na napanaginipan ko ay yung nasa tuktok na ako ng kampanaryo ng simbahan.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon. Pagkatapos, naramdaman ko na lang na unti-
unti na akong nahuhulog. Iyak ako ng iyak at sumisigaw ako para humingi ng tulong pero wala
naman akong nakikitang taong maaaring tumulong sa akin.

Isa pa sa mga madalas kong mapanaginipan hanggang ngayon ----- tuwing bumababa ako
sa hagdan ng simbahan at parang may puwersang humihila sa akin pababa na nagdudulot sa
akin ng pagkahilo. Pagkatapos, yung hagdan ay unti-unti matitibag.

Ang pinaka nagbigay sa akin ng pagkalito sa mga panaginip ko ay yung tungkol sa bawat
pagbatingting ng kampana. Sa bawat pagtunog ng kampana, isa-isang sumasabog ang mga bahay
na nakapalibot dito.

Hanggang ngayon, malaking palaisipan pa rin sa akin ang mga panaginip kong ito. Ngunit
umaasa ako na balang-araw ay maiintindihan ko rin ang mga nakatagong kahulugan ng mga ito.

1 comment:

  1. Best Baccarat and Card Games For Beginners | WURRIE
    Beginners in Baccarat know worrione that the more the game choegocasino wins, the better! This game 1xbet is the classic card game, where players bet and

    ReplyDelete